PAGBISITA SA SAMAHAN NG NAGTATANIM NG GULAY SA TUGUILAN (SANAGUT) SA BRGY. TAYAMAAN, MAMBURAO
PUNTO MINDORO February 20, 2022 Ang Samahan ng Nagtatanin Ng Gulay Sa Tuguilan (SANAGUT) ay nakasentro sa organic farming. Gumagawa sila ng vermicast gamit ng Nigh African Crawler ng kanilang naiibenta sa mga sumusuporta sa organic farming. Bukod sa paggu-gulayan gamit ang composted soil at vermicast, nagtatanim din sila ng mga fruit bearing trees sa lugar malapit sa kanila na pinakaingan ng mga katutubo, at pinagputulan ng puno sa kanilang lugar. Maging ang mga katutubo ay miyembro na rin ng Samahan para kanilang maging katuwang sa pangangalaga sa kalikasan. Malapit sa kanilang lugar ang malaking ilog ng Tuguilan. Nagbabayanihan sila para linisin ito, Naggawa sila ng cottages malapit sa ilog na kanilang pinaparentahan. Ang nalilikom na rent income ay nagsisilbing karagdagang pondo para sa kanilang Samahan. Ganun pa man, kahit malapit sa kanila ang ilog ay hindi naman nila ito ma-maximize ang gamit dahil wala silang water pump para mapadaluyan ng tubig ang kanilang gulayan. Masidhi ang kanilang pangangailangan sa water pump. Mayroon na rin silang stingless bee para pa rin sa kalikasan. Sa pagbisita ay kasama natin si Sir Michael Contreras. Sa kasalukuyan ay involve si Contreras sa isang proyekto na nagtutukoy ng mga 'potential tourism areas' na maaring suportahan ang development ng municipal at provincial government sa lalawigan ng Occidental Mindoro. Nawa ay matulungan ang SANAGUT upang higit pang ma-promote ang organic farming sa lalawigan.